Ang Ubuntu Tagalog Translators ay binubuo ng mga interesado na isalin sa Tagalog ang Ubuntu. Bahagi ito ng pangmalawakang gawain na isa-Tagalog ang iba't ibang programang malaya at ng mga babasahin tungkol dito. Ang layunin ng UbuntuTagalogTranslators ay makatulong sa kilusang ito at mapalaganap ang paggamit ng Ubuntu sa Pilipinas.

Mangyari lamang na sumali rin sa talakayan sa http://banwa.upm.edu.ph/mailman/listinfo/debian-tl kung saan pinag-uusapan ang gawaing pagsasalin. *Bago kayo tanggapin bilang kasapi ng UbuntuTagalogTranslators ay dapat nakasali na kayo sa mailing list na ito.*

Ang Timawa Translation Project sa http://tl.linux.org.ph ang namumuno sa pagsasalin ng iba't ibang gawaing software na malaya.

Mga pangunahing isasalin ngayon:

* Babasahin (Documentation) tungkol sa Ubuntu;
* OpenOffice.org2 at lahat ng bahagi nito;
* Mozilla at mga salik nito;
* Mga aplikasyong Gnome.

Piliin na isalin ang madalas ninyong gamit dahil mas kilala ninyo ang bawat sulok nito at mas mapapadali ang pagsalin ng mga mensahe nito.

Kung may mga katanungan, maaaring magpadala ng liham sa <email address hidden>, o kaya'y magtanong sa #ubuntu-ph channel sa irc.freenode.net.

Team details

Email:
Log in for email information.
Owner:
Eric Pareja
Created on:
2005-09-23
Languages:
Filipino, Tagalog
Membership policy:
Moderated Team

Mailing list

This team does not use Launchpad to host a mailing list.